Kabuhayan ng karamihang nais palitan na parang laruanβ transisyon nga ba o dapat na i-kuwestiyon? Makatarungan ba o pera-pera lang?
Samu’t-saring hinaing ang ibinato ng mamamayang Pilipino sa naging anunsiyo ng pamahalaan ukol sa jeepney phaseout. Ang iyak ng mga drayber, konsyumer, at operators ay dinig kahit saan. May nagsasabi na ito ay isang anyo ng transisyon, may nagsasabi na ito ay isang paraan upang hayaang manaig ang mga may pribilehiyo at hayaan ang mga mahihirap na manatiling mahirap.
Maliban sa ito ay dagdag gastos sa kadahilanang mahigit dalawang milyon ang presyo ng e-jeep, ito ay may anim na porsyentong interes bawat taonβ presyong hindi kayang bayaran ng mga maliliit na operator dahil sa patuloy na paglugmok ng ekonomiya. Malamang ay ito rin ang magiging dahilan ng pagtaas ng presyo ng pamasahe, dagdag bigat sa gastusin ng mamamayang Pilipino, lalo na sa mga estudyante.
Ang laganap na akusasyon na hindi ligtas ang mga jeepney ay higit na nakabatay sa opinyon kaysa sa katotohanan. Sa aspeto ng kalusugan, mainam na gamitin ang dyip dahil ito ay hindi puro sarado at malayang makakapasok ang hangin. Malalamang mas marami ang aksidente ng mga pribadong sasakyan (48.11%) kesa sa dyip (2.42%). Bagama’t kilalang-kilala na ang mga jeepney ay may malaking kontribusyon sa polusyon sa hangin dahil sa kanilang mga lumang makina, maiisip na ang mas simple, mas makatwiran, at mas pantay na solusyon ay ang tulungan ng pamahalaan ang mga tradisyunal na jeepney na sumunod sa mga alituntunin ng DOTR sa halip na ibasura ang kultura.
Sino nga ba ang mabibigyan ng benepisyo ng e-jeepneys? Ang mga ordinaryong Pilipino o ang mga mayayamang hindi puro?
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kailangan talagang gawin ang programang modernisasyon ngunit tila hindi maganda ang pagpapatupad ng programa.
Maaaring kailangan ng bansa ang modernisasyon, subalit ngayon ba ang tamang panahon?
Transisyon parin bang matatawag ang pananatiling nasa ilalim ang karamihan sa masa at nasa ibabaw ang may kaya?
ππΆππ’π΅ π―πͺ ππ©π¦π³π΄π©πͺπ¦π³π’πͺ π. ππ’π€π’π₯π’π΅
ππΆπ©πͺπ΅ π―πͺ ππ’π±π©π¦π΅ π. ππ³π’π·π’